Ang post ko sa PPF
November 27th, 2006 by ddzhmnn… wala lang sa itsura ko pero marunong ako tumugtog ng instruments..
guitar = nanonood lang ako sa classmate ko nung 4th yr highschool ako.. tapos may band sila.. naaliw ako sa kanila kaya nagself study ako ng gitara sa bahay.. as in chord chart ang kaharap ko.. ayun.. tapos nung 2nd yr college naman ako, nakasali ako sa banda na tutugtog para sa acquaintance party namin.. dito ko natutunan yung mga bar chords.. yung unang tinugtog namin is alternatives - namely - crazy for you, same ground, biglaan, bulong, jeepney(spongecola) and you’ll be safe here. tapos nagretro medley ng awitin mo, rock baby rock, annie batumbakal and sumayaw, sumunod. lahat ng yan natutunan ko lang sa ka-band mates ko na walang sawang tinuruan ko.. ahihihi XD.. ang problema lang sa akin, hindi ako masyado sa plucking.. nakapagcompose na rin kami ng kanta nung ka-banda ko.
violin = yes, you heard it right, nag-violin ako.. ahihihi XD what inspired me to learn violin was yung mga nagbi-violin sa prusisyon kapag holy week sa amin. naaliw ako sa tunog ng violin kaya sabi ko sa dad ko gusto ko matuto.. one day, may nakilala siya na guy na may dalang violin habang nasa shop si dad kaya pinapunta niya yung guy sa bahay at siya yung nagturo sa akin magviolin. my dad even bought a violin for me. (mga 4 years na yung violin ko) hindi ako masyadong marunong magbasa ng notes.. pero nakakatugtog ako.. (minsan, i play by ear) too bad, hindi ko na tinuloy ang pag-aaral at hindi na ako nakapagrecital.
bass guitar = basic lang.. tinuruan ako nung bf nung friend ko. nakapag bass na ako nung nag-acoustic tugtugan sa beauty pageant ng school. isa sa mga nagustuhan kong song is yung Huwag Mo Nang Itanong ng eraserheads ^_^
keyboards = hmnn.. may binili kasi yung grandma ko ng casio keyboard before. ang ginagawa ko lang dun e papindot-pindot lang.. ehe.. tapos meron binili yung tita ko na libro.. naintindihan ko naman at nakatugtog ako nang may chords.. pero hindi ko kinarir..
cajon = nakatry na ako nito.. pero walang public appearance. twing praktis lang.. madali lang naman siya.. pero ayoko karirin..
drums = natuto lang dahil sa DM (salamat sa DM!).. kahit papaano nakakabuo ako ng beat kaso hindi sumusunod ang akong paa.. haays.. pero gusto kong karirin!
yan ang buhay kong puno ng musika! ^_^


